Every third to fifth month of the year, there is this feeling of happiness in my heart. Maybe because March, April and May are very close to my heart, months when almost eveyone is taking another step forward, another step in their life, GRADUATION.
I feel so lucky to be one of those who were given the chance to finish my studies. This maybe the reason why I feel glad whenever I see others holding their diploma and posting graduation pictures. Maybe, we all have the same feeling of gratefulness because we have achieved one of our goals which coincides with this year's theme for graduates which is "Your gift of learning, our tool in nation-building."
I was invited to be the guest speaker in the 1st Graduation and Moving Up Ceremony for Kindergarten in my former school, Bagong Nayon IV Elementary School. It was unexpected but who am I to reject the invitation? I mean, I was invited last year by my former school in high school to do the same thing (click here to read about it) and now, by my former school in elementary. It was too flattering, right? In short, I accepted the invitation and gave/share some inspiring words to the cutie little kindergarten kids last March 19, 2012 and it goes like this:
Sa mga panauhin, mga guro, mga magulang, at higit sa lahat, sa mga batang nagsipagtapos ngayon, isang magandang hapon po.
Isa ito sa mga espesyal na araw para sa inyong lahat, higit lalo sa mga batang nakaupo sa harap ko kaya maaari ba humiling ako ng isang masigabong palakpakan para sa mga magigiting na batang ito bago ako magsimula?
Una sa lahat, nais kong batiin ang lahat ng nagtapos dahil sa tagumpay na hawak ninyo ngayon. Isa pong malaking karangalan ang magsalita ngayon dito sa unang pagtatapos para sa Kindergarten ng Paaralang Elementarya ng Bagong Nayon IV upang bigyan kayo ng ilang mahahalagang paalala na sana ay makatulong sa mahabang paglalakbay na tatahakin ng bawat isa sa inyo.
Hayaan niyo rin pong kunin ko ang pagkakataong ito upang magbigay-pugay sa mga magulang at guro na walang sawang gumabay at patuloy pang gumagabay sa mga batang ito upang makamit ang bawat mithiin nila sa buhay.
Lagi at paulit-ulit nating naririnig ang mga katagang, “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan.” Pero hayaan niyo pong ulitin ko pa rin ang katagang ito dahil tunay naman na sa kabataan nakasalalay ang pag-asa ng ating bayan. Tulad ng tema natin sa pagtatapos na ito na, “Ang Alay Ninyong Kaalaman, Gamit Namin sa Pag-unlad ng Bayan,” ipinaaalala nito na ang mga batang ito ang mga susunod na doktor, guro, inhinyero, o presidente ng ating bayan. Kayo, mga batang nakikinig sa akin ngayon, ang magiging tulay upang mas umunlad pa ang ating bansa.
Maswerte kayo dahil nabigyan kayo ng pagkakataon na makapag-aral ng kindergarten. Hindi lahat ng bata ay nabibigyan ng pagkakataon ito, ang makapaghanda para sa pag-aaral ninyo ng elementarya. Ituring ninyo ito na isang pamana mula sa inyong magulang dahil sila, higit tulad niyo, ang nagsumikap upang mahawakan ninyo ang diploma na hawak ninyo ngayon.
May isang bata noon na gaya ninyong umupo rin sa kinauupuan ninyo ngayon. Minsan din siyang nakinig sa panauhin na nagbigay din ng mga katagang hindi na niya maalala sa ngayon. Tanging natatak lang sa isip niya ay ang mga paalalang ang tagumpay ay hindi nakukuha sa isang kisapmata lamang. Ito ang pinanghawakan niya upang magsumikap sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap niya sa buhay at hindi siya nabigo.
Ako po ang batang iyon. Tulad niyo, galling din ako dito sa paaralang ito at umupo sa kinauupuan ninyo. Alam kong hindi lahat ng sasabihin ko ay maaala ninyong lahat. Pero nais ko lamang po na kahit isa sa mga nabanggit ko ay maging tuntungan ng pangarap niyo.
Sa mga nagtatapos, nais kong malaman ninyo na lahat kami ay ipinagmamalaki kayo. Gusto ko ring isaisip ninyo na libre ang mangarap. Ako mismo ay marami pang pangarap na nais pang tuparin. Huwag tayong matakot mangarap dahil iyon ang daan upang tayo ay magsumikap. Bawat pangarap niyo ang unti-unti ninyong susungkitin gaya ng pagsungkit ninyo ng bunga sa puno ng bayabas o mangga. Huwag kayong tumulad kay Juan Tamad na hinintay na malaglag ang bunga dahil baka mahuli ang lahat at may ibang makasungkit nito. Di bale nang mahirapan kayo dahil mas masarap kainin kapag kayo mismo ang pumitas nito.
Sa susunod na taon ay panibagong kaalaman na naman ang inyong haharapin. Magkakaroon kayo ng mga bagong kaibigan, madaragdagan ang mga matututunan ninyo sa loob at labas ng paaralan, at bagong mga pagsubok ang inyong susubukang lampasan. Lagi niyong isapuso na nasa likod ninyo ang inyong mga magulang upang maging sandalan niyo.
Lagi kayong sumunod at magpasalamat sa inyong mga magulang. Huwag magmadali at i-enjoy ang pagiging bata. Maglaro, mag-aral ng mabuti at unti-unting tuparin ang inyong mga pangarap. Ang edukasyon ang inyong sandata upang maging matagumpay pa.
Ituring ninyo na isang malaking palaruan ang mundo. Tulad ng paddrawing at pagkukulay ninyo sa mga libro ninyo, unti-unti niyo ring iguhit at kulayan ang mga pangarap niyo. Mas masaya ang makulay na mundo, di ba? Kasabay nito, ipagpatuloy ninyo ang pagsunod at paggalang sa inyong mga nakatatanda. Ang paggamit ng ‘po’ at ‘opo’ ay huwag niyo ring kakalimutan.
Sa mga magulang at guro, alam kong doble ang saya niyo kumpara sa mga batang nagsipagtapos ngayon. Saludo po ako sa walang sawang paggabay ninyo sa mga batang ito para maging maganda ang kanilang kinabukasan. Alam kong lahat kayo ay ginagawa at gagawin ang lahat upang maging matagumpay sila sa mga mithiin nila. Bigyan niyo po ako ng karapatan upang magpasalamat sa inyo para sa kanila, maraming salamat po. Ang tagumpay nila ay tunay namang tagumpay niyo rin.
Higit sa ano pa man, lahat tayo ay magpasalamat sa ating Panginoon na tunay na gabay natin sa lahat ng ginagawa natin. Siya ang nagbigay sa mga batang ito ng talino at siya ang dahilan kung paano nagagampanan ng mga magulang ang pagtataguyod ng kanilang mga anak.
Manalig sa Maykapal, igalang ang mga magulang, guro, at mga nakatatanda, huwag matakot mangarap, at gamitin ang inyong natutunan sa paaralan para tulungan ang ating bayan, iyan nawa ang matatak sa inyong mga isipan. Kayo ang susi sa tagumpay nating lahat.
Muli, binabati ko ang mga guro at magulang sa pamana niyo sa mga batang ito na hindi kailanman maagaw ng sinuman sa kanila. Higit sa lahat, binabati ko kayong mga nagsipagtapos ngayong taong 2012. Huwag kayong matakot magkamali dahil doon kayo mas natututo. Maraming maraming salamat po!
Just like my post last year, it's really nice to go back to your former school because it truly brings back old memories. In my case, a lot has changed in Bagong Nayon IV Elementary School since I graduated. But despite all the changes and developments, memories in my mind and heart will always be alive.
Thankyou Bagong Nayon IV Elementary School for welcoming me again and trusting my words. You will always have a special spot in my heart.
To the graduates of School Year 2011-2012, CONGRATULATIONS! Keep moving and let us all use what we have learned to help build our nation.
my only picture on that occasion :)
And before this month ends, let me again greet you,
BATCH 2012, I AM PROUD OF YOU
and
CONGRATULATIONS! :)
xoxo