Showing posts with label Calvento Files. Show all posts
Showing posts with label Calvento Files. Show all posts

August 25, 2011

Halika, sandali lang

I wrote this article while I was working in Calvento Files. It was originally entitled 'Basta... Halika, Sandali lang.' Seryosong nagulat ako nang mabasa ko ito mula sa isang internet site. Nakakatuwa. Parang hindi ako ang sumulat dahil sa mga salitang ginamit. HAHA! :)
_______________________________________________________________________________

'Halika, sandali lang.' 

Bumubuhos na luha, naninikip na dibdib, nanghihinang katawan at nanginginig sa takot at galit.

Ganyan ang kalagayan ng 29 na taong gulang na babaeng itatago natin sa pangalang “Ana.”

Ipinarating ang masakit na pangyayaring ito sa aming tanggapan ng biyenan niyang si Gloria Madera.

Pipi at bingi (multiple disabilities) itong si Ana ng Camarines Norte. Naiintindihan si Ana ng ibang tao sa pamamagitan ng pagsesenyas at pagli-'lip read.' (pagbasa ng salita sa pamamagitan ng bukas ng bibig).

Walang trabaho si Ana dahil sa kapansanan. Ang pag-aalaga lang ng dalawang anak ang pinagkakaabalahan niya. Ang asawa namang si Angel ay isang ‘tricycle driver.’

Ika-3 ng Agosto 2009, lumabas si Ana upang bumili ng ‘shampoo’ sa tindahan ni Bernardo. Nang hawak na niya ang binili at tangkang aalis na ng tindahan kinawayan siya ni Bernardo. Sinenyasan siya nito na parang pinapapasok sa loob ng tindahan.

“Basta... HALIKA, SANDALI LANG…,” sabi ni Bernardo kay Ana.

Tumingin si Ana ng may pagtataka. “Ano kayang kailangan nito?” tanong ni Ana sa sarili.



Matagal nang magkapitbahay sina Bernardo at Ana kaya lumapit naman ito. Agad namang siyang pinapasok ni Bernardo at pinaupo sa loob ng kanyang bahay.

Hindi nag-aksaya ng panahon si Bernardo. Pinwersa, pinaghahalikan at binaboy ang katawan. Mula sa labi gumapang ang bibig ni Bernardo pababa sa maseselang bahagi ng katawan ni Ana. Hinablot niya ang 'shorts' ni Ana hanggang maalis. Dinaganan niya ito para hindi makakilos. Inilabas ang kanyang ari saka ipinasok sa ari ni Ana.

Lumaban si Ana subalit malakas si Bernardo. Dahil siya'y pipi, walang boses na lumabas sa kanyang bibig. Nairaos ni Bernardo ang kanyang pagnanasa kay Ana.

Binantaan umano si Ana ni Bernardo na huwag magsumbong kung hindi ay papatayin niya ito at maging ang kanyang asawa.

“Kapag nagsumbong ka! Papatayin kita!” sabi ni Bernardo. Hindi man niya marinig ang mga katagang ito’y mahigpit ang pagkakadiin ni Bernardo sa kanyang braso. Sa lenguwahe ng kanyang kilos parang handa siyang pumatay.

Tumayo si Bernardo at bumalik sa tindahan. Si Ana naman ay nanatiling nakahiga at tulalang nakatingin sa kisame.

Nang makitang wala si Bernardo ay dahan-dahan siyang tumayo, isinuot ang panty at naghihinagpis na umuwi.

Tiniis niya ang kanyang dinanas alang-alang sa pamilya at kahihiyan. 

Kung noon ay bibig lamang ang tahimik kay Ana dahil sa kapansanan pagkatapos ng pangyayari ay pinatahimik niya rin ang kayang damdamin.

Pinili niyang busalan ang pusong punung-puno ng pagkamuhi dahil sa takot na mapahamak ang kanyang asawa.

Inakala ni Ana na sa hindi niya pagkibo ay nalampasan na niya ang malagim na trahedyang kanyang sinapit.

Ika-8 ng Agosto, 2009 habang nagwawalis sa paligid ng kanilang bahay, muling nilapitan ni Bernardo si Ana.

Hindi niya namalayan ang paglapit ni Bernardo sa kanya.

Dahan-dahan si Bernardo. Inipit ang kanyang leeg gamit ang kanyang braso. Hinila siya at kinaladkad. Dinala sa madamong parte ng bundok at inihiga sa matatalim na talahib. Tinitigan siya ni Bernardo. Doon naganap ang umano'y pangalawang panggagahasa sa kanya.

Kinagabihan ay naabutan ni Angel na nanginginig habang umiiyak ang asawa.

Nilapitan niya ito. Tinanong niya si Ana. “Bakit?” Iniangat ni Ana ang kanyang mukha subalit tumingin lamang ito sa kawalan. Muling tinanong ni Angel si Ana. Sa halip na sagutin ay yumuko lang ito.

Hinawakan niya sa balikat ang asawa at tiningnan ng mata sa mata. “Bakit? Anong problema?” muling tanong ni Angel.

Niyugyog niya ang asawa at sinabing “Sabihin mo! Huwag kang matakot. Anong nangyari sa'yo?”

Sa pautal-utal at sa walang tinig na paraan, ibinuka niya ang kanyang bibig at ipinahayag na siya'y ginahasa.

Humagulgol si Ana at yumakap sa asawa. Inilapit ni Angel ang mukha ni Ana sa kanyang dibdib.

Habang nakatingin sa malayo, sinabi niya “Sino? Sabihin mo kung sino ang may gawa nito sa'yo?”

Iminuwestra niya kung anong nangyari at ipinagtapat sa asawa. “Si Bernardo,” aniya.

Agad na sinugod ni Angel si Bernardo. Nagkaharap sila. Walang sabi- sabi, sinuntok niya ito. “Anong ginawa mo sa asawa ko?” sigaw ni Angel.

“May relasyon kami ng asawa mo,” galit na sagot ni Bernardo.

Nagkagulo sila hanggang umabot sa barangay ang nangyari. Itinuloy sa korte ang kasong ‘Rape’ laban kay Bernardo.

Sa ‘counter affidavit' ni Bernardo, itinanggi niya ang mga akusasyon sa kanya ni Ana. Galit lang diumano sa kanya si Angel dahil may relasyon sila ng asawa nito. Kababata at 'ex-girlfriend' daw niya si Ana.

Naputol lang daw ang kanilang ugnayan nang lumuwas si Ana sa Maynila at mamalagi ng matagal doon.

Nang bumalik daw si Ana ay maayos pa rin sila bilang magkaibigan.

Dagdag pa nito, lumapit si Ana sa kanya noong Hulyo upang humingi ng payo tungkol sa kanyang problema sa asawa. Doon daw muling nabuhay ang pagtitinginan nila sa isa’t isa.

Naikwento din daw ni Ana ang problema nila ni Angel maging sa asawa ni Bernardo.

Kinukwestyon din niya kung bakit wala man lang galos o pasa sa alinmang bahagi ng katawan itong si Ana kung talagang sapilitan siyang ginahasa.

Matapang na pinanindigan ni Bernardo ang lahat ng kanyang salaysay upang depensahan ang reklamo ng pamilya ni Ana.

Nakulong si Bernardo, nakalabas ito pansamantala sa pamamagitan ng pagpiyansa.

Sa ngayon, tuluy-tuloy ang pa rin ang pagdinig tungkol sa kasong ito.

Itinampok namin sa aming programa sa radyo na “Hustisya Para sa Lahat” sa DWIZ 882 Khz (tuwing 3:00 – 4:00 ng hapon) ang istorya ni Ana.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, isang magandang hakbang ang ginawa ng asawa ni “Ana” na pagsasampa ng kasong ‘Rape’.

“The weakest form of defense is denial,”. Malinaw na isa kina Ana at Bernardo ang nagsisinungaling. Sa ngayon habang nasa ilalim pa ng korte ang kaso, ang pinakamabuting gawin ng biktima ay maghanap ng matitibay na ebidensya na magpapatunay na talagang ginahasa siya ni Bernardo. Gayundin naman si Bernardo na kung talagang wala siyang kasalanan at tunay na may relasyon sila ay nararapat na maglabas ng saksi.

Nararapat din na alamin ng biktima mula sa kanyang abogado ang lahat ng kaniyang mga karapatan upang mas maipaglaban ito. Siguradong sa bandang huli, nakasisiguro ako na lalabas ang katotohanan at makakamit ng tunay na biktima, ni Ana o ni Bernado man, ang hustiya. (KINALAP NI MONICA ESTUPIN) Sa mga gustong dumulog ang aming mga numero, 09213263166 o 09198972854. Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

Published in Philippine Star on June 13, 2011 
here's the link:
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=695658&publicationSubCategoryId=94
_______________________________________________________________________________

Reading this, I felt nostalgic. I missed working with my loves (Cristy, Thea, Lhanz, ate Monique and ate Aicel). We didn't had the chance to work with each other for a long time but I know that I have a family with them forever.

To ate Aicel who helped me with this article (at nagturo ng mga salitang hindi ko akalaing maisusulat ko, SUPER THANKS! :)


       xoxo


June 20, 2011

It's not how long we've known each other

During my bum days and while waiting for my next work, I tried working on a radio station (DWIZ-Calvento Files). It was so unplanned since I just went there for an interview (that I thought will not be successful) but I was hired on the same day. Maybe God has a plan. :)

There, I met beautiful girls who all made me feel that I belong. They're not just beautiful outside, they're all beautiful inside. And since I am so longing for sister, I easily learned to love them. Let me introduce them to you:

This is Ate Aicel. She's very approachable and from the day of my interview down to my last day, she proved me that I can always approach her. We have a lot in common. She's a Leo and she has a boyfriend who's far from him. We both can relate with each other most of the time. I love her stories and I love how she treated me as her little sister.

This is Lhanz but we used to call her Jona. I forgot where it all started. HAHA! I thank her for orienting me on my first day. I also want to thank her for the warnings.

This is Ate Mon (my almost tukayo). She's quiet most of the times but I really salute her for being so strong. She also has a talent of controlling her temper (that ate aice and I don't know). She also has a beautiful voice and looks. I wanna thank her for also being my ate.

This is Thea. She also oriented me during my first day. She's very approachable too. We discovered a lot of common things about us and I was very surprised upon knowing those. HAHA! She's the one who's with me during the tough moments of going home. I thank her for unending stories. It was just sad that my first day was her last and my last became her first again. Anyway, at least, we've had the chance to be with each other.

This is Cristy. She is my partner since we were both hired on the same day. She's my partner in crime and the one with me during the 'panghahabol ng mga lasing' time. HAHA! I remembered, I have to be brave since she's not that familiar in Manila. I'm happy that she's loving their work now. 

Dear loves, 
I am so missing you all. I know that not everybody will agree that it only took us four days and a half to be that close. I love you all since day 1 and I know that you also love me (feeling ako. HAHA!) Just before, I didn't believe that I can love and be close with someone that fast but you proved me wrong. I thank you for that. :)

With you, I felt how it is to act and dress like a girl (bilang bawal magpants. HAHA!) Many thanks for all the shared laughters, happiness, and pressures also. I will always treasure those days that I spent with you.  For the bonding, thanks a lot! I will miss you!

Many thanks for teaching me that It is not how long we've known each other but how we treated each other dearly. Our time together may not be that long but our friendship, as I always say, will remain forever.


Keep in touch, okay? Definitely, I will just be around. Loveyah, mga bhe-bhe! :)


Another goodbye. I thank God for letting me know these girls. 
Another chapter ahead of me. I thank God for letting me see things clearly.




      xoxo