October 21, 2011

Itchan, you did a great job! :)

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang lahat ng lungkot sa puso ko kaya naisip kong maaaring sa pagsulat dito ay kahit paano'y mababawasan ang bigat na dinadala ko. 

"Life is so good. Enjoy every second of it! :)" posted October 2 at 3:58pm. 
--Ito ang huling status mo sa facebook at ito ang pakatatandaan naming lahat na nagmamahal sa'yo. Sabi mo nga, maganda ang buhay at pinatunayan mo 'yan sa pamamagitan ng pagpapasaya ng mga araw na kasama ka namin. 

ANG BIGAT. Minabuti ko na isulat ito sa wikang Filipino para mailabas ko ang lahat ng bigat na dinadala ko. Hindi ko alam na sa isang iglap, yung taong masiyahin at masigla ay biglang babawiin sa amin. Mahirap isipin pero kailangan tanggapin. Kailangan naming bumangon kahit hindi namin alam kung kakayanin namin.

Lahat kami ay nalulungkot. Alam naming ayaw mo na magkaganito kami kaya pipilitin naming maging matatag. Lagi mo ngang sinasabi, "Ang buhay ay hiram lamang." Ipinahiram ka samin ni Lord para iparamdam sa aming lahat kung paano maging masaya at kung paano maging matatag sa oras ng paghihirap.Higit dito, ipinahiram ka sa amin upang matuto kami na pahalagahan ang bawat segundong ibinigay sa amin upang mabuhay.

Alam naming naging mahirap para sa'yo na ngumiti sa kabila ng lahat ng sakit na pinagdaanan mo pero mas pinili mo pa ring gawin yun para hanggang sa huli, masasayang alaala ang maiiwan mo sa amin. Sa lahat ng ito, maraming maraming salamat. Ang mga ngiti at halakhak mo ay mananatiling nakatanim sa aming mga puso. Ito at ang katotohanang masaya ka na kasama ang Ama natin sa langit ang gagawin naming tuntungan para unti-unti ay makabangon kami.

Lider, yan ang tawag mo sa akin. Ikaw ang lagi kong katabi at kagrupo kapag ang basehan ay apelyido. Erestain-Estupin. Natatawa ako twing naaalala ko kung paano mo sabihing, "Saan tayo, lider?" at "Sunod tayo kay lider." Kahit sinasabihan mo akong hindi nagpapakopya, sobrang nalulungkot ako dahil wala nang magsasabi ulit nun sakin. Salamat sa pagiging mabuting classmate, groupmate, seatmate, kapatid at kaibigan. Mamimiss kita sampu ng iba mo pang mga kaibigan. Mahal ka namin. 

Mula kay lider, 
ITCHAN, YOU DID A GREAT JOB!
Uno ang grado mo sa buhay na ito.


See you later, but not too soon, okay? 
We will miss you and we truly love you!


         xoxo

2 comments:

  1. We will miss you, Itchan! You truly did a great job! We love you! :*

    -Cariss

    ReplyDelete
  2. indeed, cariss. many thanks for reading.

    ReplyDelete