May 14, 2011

It's been a year: A Proud PUPian

It's been a year since the big day, our graduation day. Now, officially, I am no longer a fresh graduate. haha!

Nakakamiss talagang maging estudyante. Wala kang ibang iisipin kundi ang mag aral pero ang mas namimiss ko ay ang walang kapantay na mga karanasan sa aking sintang paaralan. Mahirap pumasok sa PUP. Mahirap ang entance exam dahil super time-pressured (o ako lang ang nahirapan?), mahirap magtiis ng mahahabang pila sa kahit anong klaseng proseso, at mahirap magtiis sa init classroom. 

Pero mas mahirap lumabas. Mahirap habulin ang mga professors kapag may mga deficiencies, mahirap maghintay ng pangalang sobrang tagal lumabas sa listahan ng mga ggraduate (ni hindi mo nga alam kung lalabas pa ang pangalan mo), at siyempre, ang walang katapusang Pila Ulit Pilang sistema ng PUP. Pero siguro, slowly but surely lang talaga ang sistema sa aking sintang paaralan.

Come to think of it, I am just a student before, thinking just how to finish my studies. Minsan nga, naiisip natin na parang ang tagal-tagal at ang bagal bagal ng pagtakbo ng oras. May mga panahong parang nakakasawa na  and gumising ng maaga, pumasok sa school, gumawa ng homeworks at mag-recite. Pero kapag tapos ka ng mag aral, maiisip mo na sana estudyante ka na lang ulit para may discount pa rin sa jeep at tricycle at may baon araw-araw. Bukod dun, mamimiss mo ang pakikipagchikahan sa mga kaklase mo tulad ng pagkamiss ko sa mga kaklase ko na apat na taon kong nakasama. 

Sabi nga ni Bob Ong, "Sandali ka lang naman mag-aaral, ilang taon lang yun, kaya pagbutihin mo na."

Kung bibilangin nga naman, 6 na taon sa elementary + 4 na taon sa high school + 4 na taon sa kolehiyo, 14 years lang naman tayo mag aaral. Kung may bagsak at kung huminto ka man, halos 20 years lang. Pagkatapos nun, walang katapusang pagtatrabaho na ang haharapin natin. Mag iiba na ang takbo ng mundo  kaya mas mabuting pag-igihin na habang estudyante pa lang. 

PUP, thank you for being my second home. It wasn't easy being inside your home but those hardships helped me became stronger. SALAMAT SINTANG PAARALAN. I will always be a proud PUPian. :)
Happy Graduation Anniversary, PUP Batch 2010!

And of course, I owe everything to classmates, my family, and God. You helped me be where I am today. 


     xoxo

No comments:

Post a Comment